RSS

Bago

06 Ene

Pagkatapos ng Christmas break balik dorm na ulit ang magroommate na sina Harvey at Kevin. Pawang mga freshmen ang dalawa kaya’t puno pa ng kakulitan at kalokohan sa katawan. Wala pa ang ibang roomates nila kaya’t solo nila ang kwarto. Makalipas ang humigit tatlong linggo, mistulang parang di mauubusan ang dalawa sa kanilang mga baong kwento. Naging ugali na ng dalawa ang umupo at humilata sa ibabang bahagi ng double deck at magkwentuhan. Sa kalagitnaan ng kanilang kwentuhan napansin ni Kevin ang bagong sapatos ni Harvey.

“Men bagong sapatos natin ah?”

“‘Oo bigay sa akin ng kuya ko galing Qatar.”

“Talaga? Binyagan na yan!”  Biglang bumangon si Kevin sa pagkakasandal sa pader ng double deck at sabay tapak sa kaliwang paa ni Harvey.

Huli na ang lahat bago pa maiwas ni Harvey ang kanyang paa. Kaya’t bumakat ang shoeprint ng sapatos ni Kevin sa Neon Green Nike Zoom Kobe 6 shoes ni Harvey.

“Welcome to the real world Kobe 6!”, sabay tawa ni Kevin.

 Deadma lang si Harvey sabay punas ng kanyang sapatos. Pinagpag at muling tinignan kung me natira pang dungis sa kanyang bagong sapatos.

“So yan masaya ka na?”, wika ni Harvey sabay hawak sa kumakalam na tyan. “Tara manganen!”, invite ni Harvey kay Kevin.

Napatingin sa wall clock si Kevin, quater to twelve na pala. Kadalasang 11:30 ng umaga ang oras ng tanghalian sa Mess Hall. Ang Mess Hall ang malaking dining area ng dorm- maingay, masaya at puno ng mga interns lalo na pagnatapat sa alas dose ng tanghali.

“Sige hugasan ko lang mug at mga utensils ko.” Kinuha ni Kevin ang kanyang Spiderman Mug at kutsara’t tinidor sa kanyang locker. Dumeretso sa CR si Kevin para maghugas. Pagbalik nya nakita niya si Harvey na inilalabas sa kanyang traveling bag ang bagong LeBron James Miami Heat Jersey.

“Wow naman me jersey ka na ni LeBron.” 

“Oo bigay sa akin ng ate ko galing Dubai. Astig noh?”, ang simpleng pasikat ni Harvey.

“Hmmm slight! Pero Boston Celtics pa rin ako. Olats pa rin ang Big Three ng Miami sa Still the Big Three ng Boston!” 

Biglang lumapit si Kevin sabay hablot sa jersey.

“Binyagan na rin to!”, at pinunas ni Kevin ang kanyang basang kamay sa jersey.

Hindi na nabawi ni Harvey ang kanyang jersey. Patapong binalik ni Kevin kay Harvey ang jersey. Di naman masama ang loob ni Harvey. Palibhasa hindi pikon ang mokong at sadyang kabisado na ang kakulitan ng kaibigan. 

“Sa ginawa mong yan, kitakita na lang ang Boston mo at Miami ko sa Play-offs!”. Isinampay ni Harvey ang jersey sa loob ng kanyang locker. “Tara na, baba na tayo,” muling pagyaya ni Harvey sa roommate.

Pagkatapos kumain, biglang me nag-page sa Paging Booth sa main lobby ng dorm. Umalingawngaw ang boses ng nagbibinatang lalaki.

“Paging Mr. Kevin De Guzman, Mr. Kevin De Guzman.  You have a lady visitor at the lobby!”

“Paging Mr. Kevin de…”, paulit na hirit ng pager sa lobby.

“Pababa na akooooohhh!!!”, pasigaw na sagot ni Kevin habang nagmamadaling bumaba mula sa 2nd floor.

Dali-daling bumaba si Kevin mula sa kanilang room. Naiwan pang bukas ang pinto. Takang-taka si Harvey kung bakit ganun na lang ka-excited bumaba ang roommate nya.

Makalipas ang mahigit 30 minutes, di pa rin umaakyat ng room si Kevin. Sakto namang quarter to one na kaya’t naghanda ng bumaba si Harvey para sa kanyang afternoon class. Pagkababa, nakasalubong ni Harvey si Kevin kasama ang isang super hot na girl. Napatingin si Kevin kay Harvey na pababa sa stairs. Nang makalapit si Harvey kina Kevin at sa kanyang kaibigang hottie.

“Men papasok ka na ba? Wait lang kunin ko lang gamit ko. Si Nica nga pala, my new girlfriend!” kitang-kita sa mga mata ni Kevin ang kilig.

“Namets,bagong girlfriend sa bagong taon!”, pang-asar ni Harvey sabay lapit kay Nica.

“Hi Nica…. Harvey,” biglang naglapit ang labi ni Harvey at ang kanang rosy cheek ni Nica. Isang “out-of-nowhere” kiss sa cheek ni Nica ang binigay ni Harvey.

Laking bigla ni Nica. At lalong laking bigla rin ni Kevin. Hindi natiis ni Kevin ang nangyari.

“Men can I talk to you for a sec?”, napa-English bigla si Kevin.

Lumayo ang dalawa kay Nica.

“What was that? Bakit mo naman hinalikan si Nica? What’s into you men?”, umuulang tanong ni Kevin sa kaibigan.

Nakangiting sumagot si Harvey.

“Bininyagan ko lang, bago eh!”

-end-

 
7 Comments

Posted by sa Enero 6, 2011 in Kwento

 

Mga Marka: , , , , ,

7 Responses to Bago

  1. Arkhut

    Enero 9, 2011 at 7:58 hapon

    “Bininyagan ko lang, bago eh!”

    Hahahaha! Dami ko tawa sa linyang to! Cool.

     
    • Dorm Boy

      Enero 13, 2011 at 1:09 hapon

      Hahaha Salamat at bumenta ang unang kwento ko sa 2011 sau. Hayaan mo marami pang darating na mga kwento! Salamat sa pagbabasa!!!

       
  2. Maldito

    Enero 12, 2011 at 11:42 hapon

    buti nalang at kiss lang….sa isip ko is much deeper than that ang ginawa.ahahaha

     
    • Dorm Boy

      Enero 13, 2011 at 1:12 hapon

      Idol pang R-13 lang ang kwento ko kaya ganung binyagan lang ang ikinuwento ko hehheh! Im just kidding! This is a product of my boredom! hahahha!

       
  3. Maldito

    Enero 12, 2011 at 11:43 hapon

    teka…..binyagan na to….ngayon ko lang napuna..bumalik ka na sa wordpress..apir..pareho tayo! ahahha

     
    • Dorm Boy

      Enero 13, 2011 at 1:13 hapon

      Hahaha! Oo binubuhay ko ulit ang blog kong original mas masaya kasi ata dito kesa sa dot com hahaha! (Wala na rin ako pambayad!). hehehe! Apir brad!!!!

       
  4. dmandownunder

    Agosto 1, 2011 at 12:52 umaga

    hahaha! bat ngaun ko lang nalaman tong blog mo?
    may bagong gf ka ba DB? wholesome naman ako eh^_^

     

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.