RSS

Flying Tsinelas

14 Ago

Sa unang linggo ko sa dorm nasaksihan ko ang isang flying tsinelas. I wonder nasaan kaya ang kapartner ng tsinelas na lumilipad? Siguro natrapik along the way sa EDSA. O di kaya me kinasama munang ibang tsinelas (uuuy issue!).

Pero san ba galing si flying tsinelas? Ano bang storyang nababalot kay flying tsinelas?

Ayun sa kuro-kuro at sabi-sabi ng mga makakating labi, eto ay galing kay Kawawang Intern. Oo Ate Charo kawawa po sya. Kawawa sa pang-aasar at sa mga kalokohang pinaggagawa ng mga bud brothers nya.

Isang gabi suot-suot ni Kawawang Intern ang isang simple at maluma luma ng tsinelas (na naging tanyag at nakilala bilang si flying tsinelas) habang naglalakad along the corridor ng dorm. Bumaba sya at nakita nya ang mga bud brothers nya. Nagkayayaan kumain at diretso sila sa Mess Hall para kumain ng dinner. Me kwentuhan, tawanan at asaran. Dahil alam mong friendster nila isa’t-isa parang me liberty na asarin nila ang isa’t-isa habang ineenjoy ang chiken joy nila with unlimited rice.

Common na ang asaran sa isang circle of friends dulot na rin siguro ng pagiging familiar natin sa ugali, baho at kiliti ng bawat isa. Nagkakaroon kasi ng lisensya kung saan pwede nating asarin, biruin ang mga kaibigan natin sa harap ng iba nating kaibigan.

Sa pagpapatuloy ng kwento, si Kawawang  Intern na me suot na tsinelas ay kumbaga na hot seat sa gabing iyun. Napadpad sya sa isang arena kung saan inambush sya ng pambabara at samu’t saring pangaasar. Nakadekawtro pa syang kumakain suot pa rin ang kanyang tsinelas. Walang pake, whatever his friends say. Siguro ayaw lang nya patulan ang mga pinagsasabi ng mga kasama nya. Natapos kumain, nagyosi pa silang magbabarkada sa labas ng dorm. Suot suot pa rin nya ang tsinelas nya. Ayon sa report, habang nagyoyosi inaasar pa rin si Kawawang Intern. Sa lahat ng pang-aasar me isa laging nangunguna. Eto ay kumbaga si Mastermind, ang pasimuno ng mga kalokohan.

Umaakyat sa 2nd floor ng dorm ang mga magbabarkada at tumambay muna sa room ni Kawawang Intern na me suot na tsinelas kasama syempre si Mastermind. Kabuntot pa rin nila ang bud brothers nilang nanggagatong pa sa pang-aasar kay Kawawang Intern. Unti unting nagkakaroon na ng friction ang grupo. To the highest level na ang inis ni Kawawang Intern ke Mastermind.

Hanggang sa dumating na ang hindi inaasahan, napuno na ang salop( hanep title ng movie eto!). Bigla na lang ngsupersian (Son gouko flaming!) si Kawawang Intern. Naglaunch sya ng kamao ni Pacman sa mukha ng nang-aasar na si Mastermind.

Dun na nagsimula ang UFC the dorm style. Fighting on the red corner introducing Kawawang Intern from 2nd Floor with zero win and 25 loss and introducing in the blue corner, Mastermind from the 3rd Floor with 1 win 1 loss and 1 draw. Let’s get in on! Teng teng!

Ang lahat ng sumunod na pangyayari ay sobrang bilis. To the point na marami ng ibang interns kabilang na ang mga bud brothers nila na nakisawsaw este pumigil sa pag aaway ng dalawang nagbabanggaang gladiators ng dorm. Pati ang napadaang Dorm Master ng 2nd Floor ay gumitna at di kumampi. (Naks!) Pinigil ang away ng dalawa. Parang mga hawi boys at bouncers sa bar na pinaghalo all in one ang mga interns na napaggitnaan ng away.

 

Gusto pa sanang bumawi ni Kawawang Intern pero hawak-hawak sya ng mga ibang interns. Ang tanging makakaya lang niya ay itaas ng kunti ang kanyang paa sabay hila sa suot-suot na tsinelas. At walang kaamba ambang ibinato ang kanyang tsinelas sa direksyon papunta kay Mastermind. Parang isang rocket missile ang pinaulan ni Kawawang Intern gamit ang flying tsinelas.

Ang lahat ng interns na nasa 2nd Floor ay naging saksi sa paglipad ng isang simple at maluma luma ng tsinelas na di naglaon ay kinilalang si FLYING TSINELAS nang gabing yun!

Isa na ako dun! Eto ang unang away na nasaksihan ko sa dorm. Malalim ang dahilan, dahil lamang sa walang kakwenta kwentang asaran. Sa pagdaan ng mga araw, buwan at taon di ko na mabilang ang ilan pang mga away na nasaksihan ko sa Men’s Dorm.

 

 At ang ending ng story… kinabukasan magkaibigan na ulit si Kawawang Intern at si Mastermind. Masaya ulit ang lahat sampu ng kanilang bud brothers.

 

 

 

 

 

Sa tingin nyo sa pagdaan pa ng mga araw nag-away pa kaya ulit si Kawawang Intern at si Mastermind? Me rematch pa kayang naganap?

 

Lesson of the story:

 ”Wag abusuhin ang pasensya ng kaibigan. Me limitasyon pa rin ang lahat, mapabiro man o asaran.”

About these ads
 
Mga Puna

Posted by sa Agosto 14, 2009 in Dorm Stories

 

41 Responses to Flying Tsinelas

  1. dencios

    Agosto 15, 2009 at 11:18 umaga

    haha. ewan ko ba at natawa ako sa pagkakakwento mo.

    wag naman sana magaway ulit. peace na lang.

    di ko naranasan yung ganyan sa dorm.

    parang ang gulo talaga. o siguro makulet lang yung kwento mo haha

     
    • Dorm Boy

      Agosto 15, 2009 at 1:08 hapon

      Salamat sa pagbabasa! Natawa ka pala sa pagkakakwento ko hehehe! Ako rin natatawa habang sinusulat ko to eh. Hanggang sa muli!

       
  2. Prinsesa ng Drama

    Agosto 16, 2009 at 8:24 umaga

    hahaha.. ayos to! natawa din ako! Naku buti di si BJ Penn at St. Pierre ang nagrambulan sa dorm nyo. hehe. :D
    Kung hindi ibat-ibang submission yan. hahaha.

     
    • Dorm Boy

      Agosto 16, 2009 at 8:54 umaga

      Hehehe oo nga me point ka! Salamat at nagustuhan mo ang kwentong to! More dorm stories to come so check it out!

       
  3. aksoriyalmo

    Agosto 16, 2009 at 3:12 hapon

    hehe, ang sarap magbigay ng rating! awts.

     
    • aksoriyalmo

      Agosto 16, 2009 at 3:25 hapon

      balik po ako tomorrow! kailangan na po matulog!

       
  4. Nikko

    Agosto 16, 2009 at 9:13 hapon

    haahaha natawa naman daw ako sa kwento mo,
    pero nanginginig naman ako sa lamig
    *hininaan ang aircon*

    at saka nga pala,
    add na kita sa list ko.. ;)

     
  5. precious

    Agosto 17, 2009 at 11:09 umaga

    ayos to! sosyal…natawa ako promiz! nayhahaha….

     
    • Dorm Boy

      Agosto 17, 2009 at 12:21 hapon

      Salamat at nagustuhan mo ang aking kwento! Sosyal ba? hahahah!

       
  6. blu.sparks

    Agosto 17, 2009 at 12:09 hapon

    galing galing naman.
    may action, drama at suspense *meron nga ba?*
    hehehe

    ayos ang kwento. :-)

     
    • Dorm Boy

      Agosto 17, 2009 at 12:22 hapon

      Hehehe! oo marami tlgang happenings at makukulit na kwento sa dorm. Sna maalala ko pa ang lahat at masulat! Slamat sa puna! Gogogogogo!

       
  7. pinkdiaries

    Agosto 17, 2009 at 2:40 hapon

    nice ng story, peru pasasaan ba at mag aaway ulit yan.. hehe..

    padaan lang.. add kita sa blogroll ko ha?! thnx!!

     
    • Dorm Boy

      Agosto 18, 2009 at 1:03 umaga

      Hehehe salamat at nagustuhan mo ang kwento ko! More to come pero limited pa time ko para magsulat. Yup add din kita sa blogroll ko! U are always welcome sa blog ko! Salamat ulit!

       
  8. Maldito

    Agosto 17, 2009 at 6:00 hapon

    kung ako yun sinaksak ko na sa mata yun para indi na mabuhay.ha ha ha..joke lang.

    walang taong indi napipikon…kung meron man, indi naman siguro tao yun.lols. mga aso nga nangangat pag inaasar..tao pa kaya? buti nga sa nang aasar.sobra na rin siguro yun.

     
    • Dorm Boy

      Agosto 18, 2009 at 1:02 umaga

      Tama ka lahat tayo me tolerance level pero minsan di natin mapigilan mapikon at the height ng asaran. Buti na lang bawal ang mga deadly weapons sa dorm kundi SOCO na ang kasunod dun sa eksena nila Kawawang Intern at ni Mastermind. hehehe! Salamat sa pagbisita parekoy!

       
  9. bipolarsisa

    Agosto 17, 2009 at 11:58 hapon

    *nagmamadali.*

    4 years din ako nagstay ng dorm. waha. apir! the best yung 4 years na yun. lahat ng pedeng maranasan, naranasan ko.

    pero ang totoo nga, kahit umalis tayo dun, ang buhay ay parang isang pagtigil sa isang malaking dorm din. hehe. parang walang sense ang sinasabi ko. magabbalik nalang ako pag hindi nako bangag.

    salamat sa pagdaan.

     
    • Dorm Boy

      Agosto 18, 2009 at 1:00 umaga

      Ako naman 5 years straight sa dorm, i don’t know why i stayed that long, pero tama ka sobrang saya sa dorm. Marami kang matututunan sa buhay both good and bad hehehe! Salamat sa pagdaan. Add kita sa link ko ha!

       
  10. yhen

    Agosto 18, 2009 at 5:42 umaga

    hehhee naku tama, isa pang common scenaryo ang giyera sa dorm.

    mas matindi pa yan pag cat fight… hehe

     
    • Dorm Boy

      Agosto 18, 2009 at 5:48 umaga

      Mas matindi ba pag cat fight? hehehe! Oo nakarami rin ako ng napanood na laban sa dorm. Di mwawala sa eksena sa dorm ang mga away! Salamat sa puna!

       
  11. koinkoink

    Agosto 18, 2009 at 6:41 umaga

    iba ka talaga! keep it up po

     
    • Dorm Boy

      Agosto 18, 2009 at 6:59 umaga

      Salamat! Marami pang darating!

       
  12. shynyrd

    Agosto 18, 2009 at 7:47 umaga

    tama, lalo na pag personalan na ang asaran.
    minsan kasi porket nanahimik lang ung inaasar, akala okay lang. minsan akala mo tatawa tawa lang ung inaasar, pero nag iisip na un ng malalim kung paano makakaganti. bwaahahahah..

    buti nga sa mastermind toinks…. sana may video para kumpleto.

    peace..

    syempre ayaw ko ng gulo…

    kaya tingin ko mag aaway ulit sila. APIR..

     
    • Dorm Boy

      Agosto 18, 2009 at 8:17 umaga

      Naku wala pa cellphone na me video nun! Gaya ng sabi ko kasikatan pa lang ng 3210 nun hehehe! Pero tama ka sayang mas ok nga pag me video. hehhe! Make peace not war! Apir! Salamat sa puna!

      Di pa pla ako nakakasulat about sa tag mo sa kn hehehe!

       
  13. JollyBiscuit

    Agosto 18, 2009 at 10:47 umaga

    Ok sa pagkakakwento ah! Naiimagine ko tuloy yung eksena aheheheh…

    just dropping by

    http://jollybiscuit.wordpress.com

     
    • Dorm Boy

      Agosto 19, 2009 at 5:22 umaga

      Heheheh! Salamat sa pagbisita, add kita sa link ko!

       
  14. The Lady in Green Ruffles

    Agosto 19, 2009 at 11:43 umaga

    ang kulit!

     
    • Dorm Boy

      Agosto 19, 2009 at 12:32 hapon

      Salamat sa pagbisita! Makulit ba? hehhehe!

       
  15. precious

    Agosto 20, 2009 at 9:47 umaga

    hay…ayos natawa ako ky tsinelas ah..

    hehehe

    buhay dorm…masaya din nmn pla..^,^

     
    • Dorm Boy

      Agosto 21, 2009 at 2:04 hapon

      Salamat sa puna! Till next time!

       
  16. Junice Lopez

    Agosto 20, 2009 at 10:44 hapon

    wow!! ang hahaba ng post mo.. hehehe..

    apadaan lang poh^^,

     
    • Dorm Boy

      Agosto 21, 2009 at 1:56 hapon

      Hehehe! Oo me tyaga pa ako magsulat ng mahahabang post! Salamat sa pagdaan!

       
  17. yamada

    Agosto 21, 2009 at 5:03 umaga

    hi.. pwede mo ba akong dalawin?

    naughtyconfessions.wordpress.com

    thanks…

     
    • Dorm Boy

      Agosto 21, 2009 at 1:52 hapon

      Cge pag d na ako bc dadalaw ako. Salamat sa pagdalaw!

       
  18. reichan15

    Agosto 21, 2009 at 7:32 umaga

    ang saya naman happenings yun!..
    hehe..

    napadaan lang po ^_^

     
    • Dorm Boy

      Agosto 21, 2009 at 1:54 hapon

      Salamat sa pagdaan! Oo masaya tlga! hehehe!

       
      • rei-chan

        Agosto 21, 2009 at 4:47 hapon

        nung nasa highschool pa ako, yan ang isa sa mga inaabangan namin ng tropa ako..
        dapat may happenings lage, sarap maging fans.. ^_^

        nga po pala, add kita sa blogroll ko po mamaya ^^,

         
      • Dorm Boy

        Agosto 21, 2009 at 4:54 hapon

        Naks naman! Me tsinelas din kaung inaabangan? lols!

         
      • reichan15

        Agosto 21, 2009 at 5:35 hapon

        ai hindi po..black shoes ang inaabangan namin..bawal kasi pumasok ang slipper..hehe..panalo pag pamatay ang sapatos..ung tipong need ng lisensya..^^

         
      • Dorm Boy

        Agosto 22, 2009 at 2:32 umaga

        Oo ung patulis ba ang dulo? Naalala ko ex ko ganun kadeadly shoes nya eh. Pag yun soot nya iwas mo na sa kakakulit baka sipain ako di oras! hahaha!

         
      • reichan15

        Agosto 22, 2009 at 8:05 umaga

        yup, ung patulis nga hehe..pakabait ka talaga, sakit kaya nun pagnabato sayo hehe..may ganun ako eh, panakot ko sa makukulit kong tropa nung highschool ako ^_^

         
      • Dorm Boy

        Agosto 22, 2009 at 2:02 hapon

        Hehehee! Ayos! Ayan me pang self defense ka na! hehehe!

         

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: