004. Bintana

Pebrero 7, 2010

Salamat for this weekend, makakapagblog na ulit ako. Sa mga nakalipas na araw ay naging hectic ang aking schedule. I could only managed updating my Facebook account at maghintay (kung meron man) ng mga comments sa blog ko. Minsan nga sa dami ng nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw gustong gusto ko ng isulat ang bawat pangyayari, tagpo at funny moments na naganap. Pero my spirit is willing but my body isn’t.

Minsan sa kakablog hop ko, marami akong nabibisitang mga magagandang blogs. Me mga matagal nang di nauupdate, some since 2005 or 2008 pa ang huling nasulat. Ang gaganda ng mga paksa at  kwentong talaga namang me sense. Naisip ko lang kung noon pa sana ako nagsulat about living inside a men’s dorm eh di sana hindi na ako naeexert too much effort na halughugin pa sa baul ng aking memorya ang mga kwentong dorm ko. Late ko na kasi nalaman ang salitang BLOG.

Anyways sana lang hindi ako mahirapan magmanage ng blog ko. I admit I have great hopes sa blog ko. Feelingero din kasi ako. Pakiramdam ko sisikat ako sa mundo ng blogging. But when I read other blogs ako ay napapaWOW na lang. Wala pa sa kalingkingan ang blog ko compared sa kanila. Dumaan pa ang mga araw at dumami ang aking mga friends sa blogosphere. Mostly sa kanila taga WORDPRESS. Akala ko noon kelangan magpatawa lagi sa blog at gawing kengkoy o magkaroon ka ng pakulo o gimiks para mabenta at makilala ang blog mo. Nagkakamali pala ako. Ang mere essence ng blogging na aking naunawaan sa pagdaan ng mga araw ay simple lang… eto ay hindi maghangad ng kasikatan  but to express what you feel… period. Hayaan na natin ang kasikatan, lets live it to the SUN kasi yun ang work nya ang sumikat (sunrise) at sumisid (sunset).  Expressing our emotions is normal. Blogging is one of our outlet ika nga. Kaya ngayon naiintindihan ko na ang mga bloggers na minsan emotional sa kanilang mga nasusulat. Naiintidihan ko na rin kung minsan ang ilan nawawalan ng gana magsulat. Kasi lahat tayo emo… emoticons!

Naalala ko tuloy ang mga araw ko sa dorm noon. Paghomesick ako, o me bumabagabag sa isipan ko ang tanging ginagawa ko eh dumungaw sa bintana. Wala namang magandang scene sa labas. Kaharap ng lumang dorm namin noon ang ospital ng university, although maraming dumadaan doong mga nagseseksihan at naggagandahang dilag  na papasok at pauwi from university campus. Sa university maraming seksi ganito sana sa buong bansa.

Hindi magastos ang ganitong lifestyle sa men’s dorm. Walang cash outlay ika nga sa accounting. Walang materiality level na pag-uusapan kung sa auditing mo titignan. Tanging ang oras mo lang ang nasasayang at nagiging sunk cost ayon sa cost accounting. Pero ganumpaman kahit papano gumagaan ang isip ko.

Ngayon wala akong bintanang mapagdungawan. Tanging Facebook, WordPress, YM , NBA, Inquirer, Philstar at mga inspirational blogs lang ang aking bintana sa mga oras na gusto kong dumungaw at iexercise ang aking mga braincells.

Nakakamiss tuloy ang dungaw-sa-bintana moments ko sa men’s dorm. Pinaka paborito kong oras ng pagdungaw eh tuwing study period sa gabi mga alas nuwebe o alas diyes ng gabi. Tahimik at malamig ang simoy ng hangin. Nakakarelax at nakakabrain freeze.

Ikaw, me kwentong bintana ka ba?


003. Kwentong Dorm 2010

Enero 14, 2010

Labada

Pagkatapos makikain ng pancit canton, nakakahiya naman kung bigla na lang ako aalis. Tumulong ako magligpit at maglinis ng kalat. Ako na ang nagtapon ng mga kalat at naghugas ng timba. Diretso ako sa CR dala ko si Spongebob at si Ate Joy. Pag wala si Ate Joy si Tita Dazz ang kasama ni Spongebob. Habang hinuhugasan ko ang pinagkainan, napalingon ako  sa mga kasama ko sa CR. Sa mga oras na yun tatlong kasing intern na lang makikita mo.

Una, mga intern na naglalaba (pinaka madalang na iyung makikita)

Pangalawa, mga intern na naghuhugas ng pinagkainan (kagaya ko sa mga oras na yun).

And syempre, mga intern na nagtoothbrush, naghihilamos o nagtatanggal ng gel sa buhok (sila ang pinakamadalas).

Meron ka rin palang makikitang tumatakbo o nagmamadaling maglakad at me dala dalang timba at sabon. Kumakaway na kasi at kelangan na nilang makita si Doro the Inidoro.

Bilib ako sa mga interns na masisipag at nagagawa pa nilang maglaba sa gabi. Madalas ko pang makita ang mga Med students na naglalaba ng kanilang mga white uniforms. Naalala ko pa si Kuya A, Dorm Master sa 2nd Floor. Naabutan ko syang naglalaba, gamit ang Ariel. Naalala nyo pa ba yung advertisement na me pang brush (di naman talaga sya brush) na gawa sa plastic na kulay green at puti yung sa Ariel? Yun ang gamit nya. Inusisa ko pa sya kung epektib. Epektib naman daw. Pero hindi ako naniwala kasi pagbalik ko hindi na nya ginagamit at nagkukusot na lang sya. 

Hindi rin nagpahuli ang rummate kong si Kuya P. Me kakaibang oras sya ng paglalaba sa CR. Mas gusto nya yung tipong wala na gaanong tao sa CR. Madalas sobrang late na sa gabi kung maglaba si Kuya P. Hindi ko na sya inusisa kung bakit ganung oras sya maglaba. Siguro gusto lang nya ng privacy.

Marami rin ang naglalaba ng damit nila sa dorm. Ang iba ayaw nang magpalaba sa mga laudry service na pumupunta sa dorm. Kanya kanyang dahilan. Merong gusto magtipid. Ang iba gusto nila maalagaan ang kanilang damit. Ang iba naman nadudumihan sa laba ng mga laundry service. Noong panahon namin dalawang laundry service ang pumupunta sa dorm. Isang pang MWF at ang isa pang TTHS.

Tinatamad akong maglaba noon. Nasanay kasi akong me washing machine sa bahay. Naglalaba ako ng sarili kong damit sa bahay gamit ang washing machine kaya siguro  hindi ako nasanay maghandwash. Ang resulta isa ako sa suki ng mga laundry services na pumupunta sa dorm.

Suki ako ng MWF laudry service. Hindi ko alam ang pangalan ng laundry shop nila at nakalimutan ko na rin pangalan nila. Dalawa silang pumupunta sa dorm tuwing gabi ng MWF. Madalas Manong at Kuya lang ang tawag ko sa kanila. Mas gusto ko ang paglalaba ng ng MWF group kesa sa TTHS group (parang That’s Entertainment lang noh). Bukod sa mas malinis at mas mabango ang paglalaba ng MWF pumasa rin sila sa test ko. Minsan kasi natapunan ng spaghetti sauce ang t-shirt kong puti. Ipinalaba ko sa kanila ang namantsahan kong damit. Aba himala pagbalik sa akin tanggal nga ang mantsa! Parang commercial lang sa sa TV! Bossing sa paputian bossing sa kalinisan!!!

Hindi magpapatalo ang TTHS group. Pero hindi nila ako suki sa pagpapalaba. Noong mga unang buwan ko kasi sa  dorm nagpapalaba ako sa kanila kasi mura ang singil nila kumpara sa MWF group. Pero kinalaunan hindi na ako umulit pang magpalaba sa kanila simula noong sinulatan nila ng initial ko ang Dorm T-shirt ko at  sa harapan (take note sa mismong design sa harapan). Hindi ko rin makakalimutan noong nagpalaba ako ng XL na t-shirt pagbalik sa akin Medium Size na. Noong minsan pa, nagpalaba ako ng jogging pants pagbalik sa akin pajama na. Yung dating me collar pagbalik sa akin round neck na.

Pero napabilib din nila ako noong nagpalaba ako ng t-shirt na me mantsa. Syempre tinest ko pa rin sila. Sabi ni Manang mawawala daw ang matsa.

 Pagbalik ng aking labada… nawala nga ang mantsa….

Pati yung t-shirt ko nawala.


002. Kwentong Dorm 2010

Enero 10, 2010

Pancit Canton

Natapos ang Study Period n nakatunganga lang ako.In short tumakbo ang oras at ako ay nagday dream lang (panu pag nag daydream ka sa gabi anong tawag dun?).  

Ginutom ako kaya’t dumilehensya muna ako. Naisipan kong magroom hop sa mga mga kwartong me amoy pancit canton. Naalala ko me pancit cantong dala si Kuya M. Sa kwarto nila ako nagroom hop. Hindi ako nagkamali me pancit canton nga sila! At mainit-init pa!!!!

“Kain ka muna saktong sakto luto na ang pancit canton”, alok ni Kuya M.

“Sige lang kuya busog pa ako”, ang Tupperware kong sagot.

Kinumusta ko muna si Xed ang rummate ni Kuya M na kabatch ko sa College of Accountancy and Commerce. Tinanong ko kung nagquiz na sila sa Economics. Hihingi sana ako ng tip (leakage actually). Sa kasamaang palad hindi pa daw sila nagquiz. Kami pala ang unang mag-eexam kinabukasan (I’m dead!).

Hindi ko na inintindi kung me makukuha ako sa quiz kinabukasan. Wala na akong matanong kaya’t kumwari pasimple lang ako tumitingin tingin sa kisame at pader ng kwarto habang nakaupo sa ibaba ng double deck. Me hinihintay lang ako.

“O kuha ka na ng pancit canton!”, pag-aaya ni Kuya Glenn, ang isa pang rummate nila Kuya M at Xed.

Ayos natapos din ang paghihintay ko. Finally ininvite ulit ako kumain. Makakakain ulit ako!

Binigyan ako ng plastic wrapper ng pancit canton. Hindi na ako tumanggi. Kinuha ko ang plastic wrapper ng pancit canton at binuka ang hiwa sa likod. Ganito ang pagkain ng pancit canton sa Men’s Dorm. Madalas hindi na kami gumagamit ng plato o paper plate, ang plastic ng pancit canton ang nagsisilbing lalagyan ng pancit canton.  Hindi ko alam kung sino nagpauso ng ganitong paraan ng pagkain ng pancit canton pero naging trademark na ng mga interns ang ganitong gawi.

Humiram ng tinidor at kumuha sa timba kung saan niluto ang pancit canton.

Tama po ang inyong mga nababasa sa mga timba at palanggana po kami ngluluto ng pancit canton lalo na pag maramihan ang ilulutong pancit canton. Me mangilan ilan din nagluluto sa mga plastic containers, Tupperware o mangkok pero madalas lalo na pag maramihan sa timba o palanggana nagluluto. Pero syempre sinasabon ng maigi at binabanlawan ng maayos ang mga timba at palanggana bago gamitin. Multi purpose ang mga timba at palanggana sa dorm. Kadalasan na ang ganitong eksena sa dorm. Lalong lalo na pag me nag-birthday, ngkayayaan lang magpancit canton o kahit na anong  okasyon gaya ng weeksary, monthsary o anniversary ng mga rummate at gf’s nila (take note the apostrophe s).

Kailangan lang ng percolator, heater or electric thermos para magpainit ng tubig. Pag kumukulo na ang tubig ibubuhos eto sa timba o palangganang me laman ng pancit canton noodles. After 5 to 10 minutes, idinidrain na ang tubig sa mga urinals/lababo sa CR kung kayat laging barado ang mga ihian at lababo dahil sa mga sumasamang pancit canton noodles.

Eto ay kadalasang ikinaiinis ni Direk kaya’t ipinagbawal na ang pagkain ng pancit canton sa mga kwarto. Dapat lahat ay sa Mess Hall na kumain. Pero, subalit datapwat pasaway ang mga interns nakakalusot pa ring kumain ng pancit canton sa mga kwarto. At laging barado ang mga urinals at lababo.